LEGAZPI CITY- Nakapag decamp na ang mga residente sa lalawigan ng Sorsogon na inilikas dahil sa naitalang mga pagbaha na dulot ng walang patid na mga pag-ulan.
Ayon kay Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Engineer Raden Dimaano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagsubside ang naturang mga pagbaha sa ilang mga lugar kaya pinayagan na ang decampment.
Aminado ang opisyal na karaniwan na sa ilang mga low lying areas ang pagtaas ng tubig-baha tuwing nakakaranas ng malalakas na mga pag-ulan.
Nabatid na nasa 324 ang mga nagtungo sa mga evacuation centers sa nakalipas na mga araw na mula sa mga bayan ng Pilar, Magallanes, Donsol at Sorsogon City.
Samantala, nakahanda na rin umano ang lalawigan ng Sorsogon sa iba pang mga sama ng panahon na posibleng maka apekto sa lugar ngayong typhoon season.
Siniguro rin ni Dimaano na patuloy na magbibigay ang provincial government ng pangangailangan mg mga residente.
Samantala, pinawi rin ng opisyal ang pangamba ng publiko sa epekto ng mga pag-ulan sa Bulusan volcano na kasalukuyan ring nasa abnormal na lebel.