file photo: typhoon in the Philippines

LEGAZPI CITY- Nakahanda na ang mga evacuation centers sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa pinangangambahang epekto ng bagyong Inday.

Maliban dito, sinabi ni Catanduanes Governor Patrick Azanza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakahanda na rin ang mahigit 16,000 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Catanduanes.

Paliwanag ng opisyal na layunin nito na magkaroon ng preposition goods upang mabilis na makapagbigay ng tulong sa mga residente kung sakaling maramdaman ang epekto ng sama ng panahon.

Malaking tulong rin umano ito kung sakaling ma-isolate ang ilang mga lugar.

Dagdag pa ni Azanza na naka standby na rin ang mga heavy equipment sa mga lugar na karaniwang naaapektuhan ng landslide.

Samantala, dagdag pa ng gobernador na tututukan rin ang pagbibigay ng asistensya sa mga magsasaka at mangingisda na posibleng maapektuhan ng sama ng panahon.