Delivery riders in the province of Albay are complaining about the continuous increase in the price of petroleum products caused by the ongoing tensions in the Middle East.

LEGAZPI CITY – Umaaray na ang mga delivery rider sa lalawigan ng Albay tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na dulot ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon sa delivery rider at working student na si Charles sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaking dagok para sa kanila ang pagtaas ng presyo ng langis dahil napipilitan siyang paikliin ang kanyang biyahe na isa ring malaking kawalan para sa kanyang kita.

Bilang paraan upang makatipid umano sa gasolina, sinabi niyang hindi na siya nagmamaneho sa mga malalayong lugar lalo na kung hindi naman kinakailangan.

Punto niya na mas bibigat pa ang kanilang pasanin ngayong nagkaroon na naman ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na maaaring magresulta sa matinding pagba-budget ng kanyang kita para sa kanyang mga kailangan sa pag-aaral.

Hinimok din ni Charles ang gobyerno na maghanap at gumawa ng mga paraan upang hindi mapunta sa kanilang mga nagta-trabaho upang mabuhay ang pasanin ng mahal na presyo ng gasolina.

Binigyang-diin din niya na magtatrabaho na lang siya nang husto at maging matiyaga sa pagbyahe upang matustusan niya ang kanyang pag-aaral at dahil wala siyang magagawa sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.