LEGAZPI CITY – Nanawagan ng suporta at dasal and Department of Education Bicol sa mga Bicolano kasabay ng pag-uumpisa ng National Schools Press Conference (NSPC) 2024 ngayong araw.
Ayon kay Education Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, lalaban ang mga pambato mula sa ibat-ibang lalawigan at lungsod ng Bicol sa Carcar City, Cebu para sa naturang aktibidad kasabay ng Palarong Pambansa 2024.
Ipinagmalaki rin nito ang mga top performing divisions sa Regional Schools Press Conference na haharap ngayon sa mga nanalong pambato ng ibat-ibang rehiyon.
Itinanghal ang Legazpi City bilang over-all Champion, Tabaco City bilang 1st runner up, Naga City – 2nd runner up at sinundan ng Iriga City na pang-tatlo at Camarines Norte sa pang-apat.
Maalala na maganda ang ipinakitang performance ng rehiyon noong nakaraang taon kung saan nakuha nito ang 2nd Runner up, sinundan ang Davao Region na 1st runner up at ang 2023 defending champion na Calabaarzon.
Samantala, umaasa ang DepEd Bicol na magiging maganda parin ang over-all ranking ng rehiyon sa pagtatapos ng NSPC 2024.