LEGAZPI CITY – Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panglungod ng Legazpi ang isang resolusyon na magbibigay ng parusa sa mga iresponsableng customer sa mga kainan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Councilor Alexander Jao, tatawagin ang ordinansa na “Clean as you go” o Claygo ordinance na layuning maturuan ng disiplina ang mga kustomer.
Sa ilalim ng resolusyon, lahat ng mga customer sa fast food chains, karinderya, canteen at iba pang mga kainan ay kailangan na linisin ang kanilang mga pinagkainan matapos na kumain.
Ang mga mahuhuling lalabag dito ay maaaring pagmultahin gayundin ang mga may ari ng gusali na kanilang pinagkainan.
Kailangan rin na mayroon na tamang segregation ang lahat ng mga pasilidad na nag-aalok ng pagkain.
Sakaling makapasa, unang ipapatupad ito sa mga canteen ng paaralan upang maturuan ng responsableng pagtatapon ng kanilang mga basura ang mga estudyante