Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III announced that human bones were among the items recovered from Taal Lake during search operations for the missing sabungeros last week.

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na kabilang ang mga buto ng tao sa mga nakuha sa Taal Lake sa isinagawang search operations para sa missing sabungeros nitong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Torre na magkahalong mga buto ang na-recover dahil may farm sa lugar.

Ayon sa kanya, may mga buto ng hayop at mga tao, kaya sinusuri na ang mga ito upang malaman kung alin sa mga ito ang buto ng tao at hayop.

Sinabi naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nakolekta na nila ang DNA samples mula sa 12 kamag-anak ng mga nawawalang sabungero.

Ayon sa kanya, isinasailalim na sa scientific examination sa PNP Forensic Group ang mga samples, kasama ang mga labi na nakuha sa Taal Lake.

Sa ngayon ay limang sako na hindi pa inilalahad ang mga laman ng mga ito ang nakuha ng Philippine Coast Guard sa nasabing lawa.

Isa sa mga sako ay pinaniniwalaan na naglalaman ng sinunog na mga buto ng tao sa nakita sa ilalim ng lawa, sa katubigan ng bayan ng bayan ng Laurel, Batangas.

Matatandaan na noong Hunyo, isiniwalat ni Julie “Dondon” Patidongan na ang 34 na nawawalang sabungero ay inilibing sa Taal Lake.