LEGAZPI CITY- Preparado na ang mga pantalan sa Bicol lalo na an mga mayroong pampasaherong barko gaya ng Matnog Port, Tabaco at Pioduran Port ngayong nag umpisa na ang pagdagsa ng mga biyaheros na gustong magbakasyon ngayong holiday season.
Ayon kay Achilles Galindes, ang Media Relations Officer, Philippine Ports Authority PMO Bicol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, noong lunes ay nakita na ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero kung saan ay umabot na sa 4,000- 4,500 ang daily average ng mga pasahero.
Binabantayan din aniya ang mga biyaheros na naaapektuhan ng traffic sa Lupi Camarines Sur maging ang shearline kung saan isa sa mga dahilan ng pagkaantala ng biyahe.
Samantala, inaasahan namang aabot sa 5,000- 6,000 ang daily average ng mga pasahero ngayong holiday season at inaasahan din ang pagdagsa nito sa darating na Disyembre 24 hanggang 25.
Siniguro naman ng nasabing opisyal na matugunan ang mga pangangailangan ng mga uuwi sa kanilang mga probinsya ngayong pasko at bagong taon.