LEGAZPI CITY – Nagsimula nang dumagsa ang mga biyahero sa iba’t-ibang pantalan ng rehiyong Bicol kasunod ng obserbasyon ng Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Coast Guard Ensign Dwan Grace Detoyato, information Officer ng Coast Guard District Bicol, wala pang naitatalang mga stranded sa pantalan sa kabila ng pagdagsa ng mgaa biyahero.

Tulos-tuloy din kasi ang operasyon ng mga pantalan kaya walang nagiging aberya.

Ayon kay Detoyato, inaasahan na madodoble pa ang bilang ng mga biyahero simula sa Huwebes Santo kung saan wala ng trabaho ang iilan.

Kaugnay nito, mas pinaigting pa ang pagbabantay sa mga pantalan sa rehiyon upang matiyak ang seguridad ng mga pasahero.

Nasa 18 na K9 dogs at 19 na K9 personnel ang ipinakalat sa mga pantalan upang magsagawa ng inspeksyon at matiyak na walang makakalusto na mga ilegal na kontrabando.

Nanawagan naman ang opisyal sa mga biyahero na sumunod sa mga direktiba at alituntunin ng mga pantalan upang hindi magka-aberya sa biyahe.