LEGAZPI CITY- Agad na nagtungo ang mga tauhan ng Bulusan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office 4km radius permanent danger zone ng Bulkang Bulusan upang ma-assess ang epekto ng nangyaring pagputok ng bulkan.
Ayon ay Bulusan MDRRMO head Marc Ragasa sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na bansang alas-4:36 ng madaling araw ng marinig nila ang malakas na dagungdong mula sa bulkan.
Nabatid na makapal ang ibinugang usok ng bulkan.
Ayon sa opisyal na tinitingnan na posibleng ang mga bayan ng Casiguran at Juban at ilang bahagi ng Irosin ang maapektuhan ng ibinugang abo kaya pinag-iingat ang mga residente.
Sa kasalukuyan ay wala naman umanong apektado sa bayan ng Bulusan dahil noon pa man ay mahigpit ng ipinagbabawal ang pagpasok sa danger zones.
Samantala, ayon pa kay Ragasa na nakahanda naman ang mga face masks na maaring ipamahagi sa mga apektadong residente.