LEGAZPI CITY- Matagumpay na naisagawa ang blessing at turn over ceremony ng ilang mga kagamitan na mamagamit ng mga kapulisan sa pagpapatupad ng kanilang mandato.

Mula sa pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon, sa pangunguna ni Governor Buboy Hamor ay nai-turn over ang 17 units ng patrol cars at isang unit ng unit Toyota Hi-Lux na ibinigay sa Sorsogon Police Provincial Office.

Maliban dito ay nai-turn over na rin ang donasyon na apat na K9 at 50 issued 5.56MM bar na mga armas na mula naman sa PNP Logistics.

Personal naman na nagtungo si Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil sa Camp General Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi upang saksaihan ang naturang aktibidad.

Samantala, inaasahan na malaking tulong ang mga ito upang mas mapalakas pa ang pagpapanatili ng kapulisan sa kapayapaan sa rehiyon.