LEGAZPI CITY – Iibinida sa isinasagawang Bicol Regional Science and Technology and Innovation week ang mga produktong gawa sa rehiyon kasama na ang mga bagong imbensyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Catanduanes State Univesity President Patrick Alain Azanza, iba’t-ibang uri ng produkto na Tatak Bicolano ang nakadisplay at ilalagay pa sa gymnasium, main lobby, conference room at little theater ng unibersidad.
Makikita na rin ngayon ang mga obrang pinta ng mga Bicolano kung saan ang iba nito ay gumamit pa ng abaca bilang canvass.
Ibibida rin ng Department of Science and Technology ang kanilang mga imbensyon na produkto tulad ng tiles, sula at burger patty na lahat ay gawa sa abaca.
Magkakaroon din ng kompetisyon sa paggawa ng Rawit Dawit, Habi Fashion Show, at marami pang iba.
Napag-alaman na kahapon ay binuksa ang Bicol Regional Science Technology and Innovation week na pinangunahan mismo ng Deparment of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr at Science and Technology Bicol Director Rommel Serrano.