LEGAZPI CITY – Naka-full alert ngayon ang mga awtoridad sa bayan ng Pandan sa Catanduanes kasabay ng selebrasyon ng Dinahit Festival.
Ayon kay Jonathan Sales ang Operation and Warning Chief kan Pandan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nakalatag na ang mga security measures upang matiyak ang seguridad ng mga bibisita sa lugar.
Kasabay nito, nakaalerto na rin ang response team para sa mga hindi inaasahang insidente.
Kailangan umano ng ibayong paghahanda lalo pa at karamihan sa mga aktibidad ng festival ay isasagawa sa labas.
Naglagay na rin ng mga water station sa bawat venue na panlaban sa init ng panahon.
Nagsimula ang selebrasyon ng Dinahit Festival nitong Abril 8 at magtatapos sa Abril 12.