LEGAZPI CITY – Bigo pa ring makarating mga rescue team sa lokasyon ng bumagsak na Cessna 340A private plane.

Ito na ang 2nd attempt ng mga rescue teas na mahanap ang apat na sakay ng nasabing aircraft.

Ayon kay Kap Elvis Millares kan Brgy. Quirangay, ala-una ng hapon nang i-pull-out ang mga officials asin rescuers dahil sa hindi magandang panahon.

Maulan umano at makapal ang hamog at ulap na nakapalibot sa bulkan, kung kaya’t hindi na ligtas kung ipagpapatuloy pa ang pag-akyat.

Ngayon umaga ng dumating ang helicopterAW109 mula sa Philippine Navy, ngunit kahit pa dalawa na ang ginagamit na sasakyang panghihimpapawid, negatibo pa rin ang naging resulta.

Paliwang ni Millares, hindi naka-penetrate ang chopper dahil sa kapal ng hamog at ulap, kaya hanggang ngayon ay waka pa ring visual ang aerial search.

Kung mattatandaan ay namataan ang wreckage ng Cessna plane sa itaas na bahagi ng Brgy. Quirangay, partikular na sa Anoling Gully nasa humigit-kumulang dalawang kilometro ang layo sa Incident Command Post (ICP) ng Forest Rangers.

Samantala, nakatalaan na magkaroon ng meeting ang mga opisyal kasama ang mga responders para mapag-usapan kung ano ang susunod na gagawin sa operasyon bukas kun sakaling gumanda na ang panahon.

Naka-standby na rin ang grupo ng mga beteranong Mountaineers sa pangunguna ni George Cordovilla.