LEGAZPI CITY- Tinatayang aabot sa 500,000 na mga residente sa Albay ang posibleng maapektuhan ng bagyong si Pepito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Dante Baclao ang OIC ng Albay Provincial Public Safety and Emergency Management Office, maagang inilikas ang mga residente na nakatira sa mga hazard prone areas kahapon kung saan tinapos ang assisted evacaution alas 5 ng hapon.
Ayon sa opisyal, kinailangan na nasa evacuation center na ang mga apektado ng baha, landslide at lahar flow para maiwasan na ang rescue operations kapag lumakas na ang ulan sa lugar.
Binabantayan na rin ngayon ng naturang ahensiya ang development ng bagyo habang papalapit ito sa Bicol Region.
Samantala sinabi naman ng opisyal na sapat ang food packs at non- food items galing sa Department of Social Welfare and Development Office na ibibigay sa mga evacuees.
Sa ngayon ay bukas ang command center ng APSEMO sa loob ng 24 oras para masiguro ang koordinasyon sa iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno.