LEGAZPI CITY – Kanselado ang mga nakanahay na aktibidad ng embahada ng Pilipinas sa Iran kasunod ng pagkamatay ni President Ebrahim Raisi matapos ang pagbagsak ng sinasakyang helicopter sa East Azerbaijan.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Jocelyn Norada sa Iran, inanusnyo ng naturang bansa ang limang araw na national mourning o pagluluksa.

Kabilang sa mga nakansela na aktibidad ng Filipino community ay ang pagsasagawa ng Santa Cruzan.

Ibinahagi ni Norada na sa loob ng 12 taon na pagtatrabaho sa naturang bansa ay naging maayos naman ang pakikitungo ni President Raisi sa mga President Raisi sa mga Overseas Filipino Workers.

Samantala, marami na mga bansa ang nagpabot ng kanilang pakikipramay sa pagkamatay ng Presidente kasama na ang Pilipinas.