LEGAZPI CITY- Ibinabala ng mga kinauukulan ang pagkakaroon ng mga aftershocks kasunod ng naitalang magnitude 6.1 na lindol sa Bagamanoc, Catanduanes.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology resident volcanologist Dr. Paul Alanis sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mula sa Philippine trench ang naturang pagyanig.
Ang naturang trench ang regular ang nagiging paggalaw dahil sa pagiging aktibo nito.
Ito aniya ang mahigpit na binabantayan ng tanggapan dahil sa potensyal na pagtatala ng magnitude 8.1 earthquake na maaring magdulot ng tsunami.
Samantala, sa hiwalay na panayam kay Catanduanes Operations Section Chief Robert Monterola, sinabi nito na wala namang reported damages sa lalawigan, batay sa kanilang pag-iikot sa mga tanggapan.
Dahil dito ay muling ipinaalala ng opisyal ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng mga earthquake drills upang maging handa sa kaparehong sitwasyon.