LEGAZPI CITY- Mainit na ang labanan ng tatlong presidential candidates sa Mexico ilang araw bago ang isasagawang halalan.
Ayon kan Bombo International Correspondent Jan Jee Oberiano na dalawang kababaihan ang nangunguna sa mga surveys para sa June 2 Presidential elections.
Isa sa mga frontrunner ay ang kandidato ng incumbent party na si Claudia Sheinbaum na dating alkalde ng Mexico City habang pumapangalawa naman ang mula sa opposition na si Xóchitl Gálvez.
Ang nag-iisang lalaking kandidato naman na si Jorge Álvarez Máynez ay kasalukuyang nahuhuli sa mga survey.
Ayon kay Oberiano na malakas sa masa si Sheinbaum dahil sa mga social policies nito.
Sa kasalukuyan ay malaki umano ang tsansa na makapag halal ang Mexico ng pinaka unang babaeng pangulo ng bansa na sasalubong sa ilang mga kasalukuyang suliranin tulad ng krisis sa tubig at mataas na kriminalidad.
Matatandaan na kilala si incumbent President Andrés Manuel sa pagpapahinto nito sa ilang mga proyekto sa bansa na iniuugnay sa korapsyon kaya ilang mga mamamayan na nasa upper class ang hindi sang-ayon sa pamamalakad nito subalit kilalang malapit sa masa.