LEGAZPI CITY- Binaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang media personality sa Maharlika Highway Purok-3, Barangay Morera, Guinobatan, Albay.
Nakilala ang biktima na si Noel Samar.
Ayon sa ulat mula sa mga kapulisan, mabilis na tumakbo ang suspek sa hindi pa malaman na lugar kaya nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang manhunt operation.
Inaalam rin kung ilan ang tama ng bala na tinamo ng biktima.
Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy naman na nilalapatan ng medikal na atensyon si Samar sa ospital.
Samantala, iniimbestigahan pa ang motibo sa naturang pamamaril.