LEGAZPI CITY- High moral at labis na kasiyahan ang nararamdaman ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) -Baras Emergency Response Team matapos maideklara na kampeon sa katatapos palang na 1st Provincial DRRM Rescue Olympics na isinagawa ng Provincial Government ng Catanduanes.
Layunin ng aktibidad na maipamalas ng lahat ng MDRRMO responders sa lalawigan ang kanilang kakayanan sa pag responde sa emergency situation at disaster response.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Edward Teston, Team Leader ng Baras MDRRMO, nagpahayag na si Baras Mayor Jose Paolo P. Teves ng kasiyahan kasabay ang buong munisipyo sa tagumpay ng mga responders ng kanilang bayan.
Ipinagmamalaki pa nito na dahil sa aktibidad naipakita ng nila ang kakayahan sa ibat-ibang pagresponde gaya ng proper conduct of Cardiopulmonary resuscitation (CPR), Hose thrower at fire supression.
Dagdag pa ni Teston na regular ang pagsasagawa ng MDRRMO Baras ng mga refreasher courses upang laging handa sa mga kinaka-ilangan na respondehan.
Samantala, nakamit naman ng MDRRMO San Andres ang second place, at MDRRMO Virac bilang third place.