LEGAZPI CITY – Sinasamantala ngayon ng mga abaca stripper sa lalawigan ng Catanduanes ang matinding init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Philippine Fiber Industry Development Authority Bicol Regional Director Mary Anne Molina, pabor s mga abaca stripper ang mainit na panahon upang makapag-produce ng mas kalidad na abaca fiber o higher fiber grade.
Mas maganda kasi ang kalidad ng abaca fiber na nabibilad sa sikat ng araw kumpara sa mga air-dry na hindi tumatagal at nagkakaroon pa ng discoloration.
Ayon kay Molina, mas mataas din ang bentahan at demand nito kahit sa domestic o local consumption.
Pagbabahagi nito na wala namang negatibong epekto sa abaca industry sa lalawigan ang nararanasang El Niño imbes mas nakakatulong pa upang makagawa ng mga kalidad na abaca fiber.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy na ang pagbangon ng industriya ng abaca sa island province matapos na bumagsak ang demand sa exmportation at local consumption dahil sa pandemya at giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sa unang bahagi ng taon ay umabot sa 900 metric tons ang average ng abaca fiber production na mas mataaas kumpara noong mga nakaraang taon.