LEGAZPI CITY – Welcome sa ACT Teachers Party-list ang pagbaba sa posisyon ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, napapanahaon lang ang pag-resign ng Bise Presidente lalo pa’t matagal nang ipinapanawagan ang pagbaba nito sa naturang posisyon.
Ito ay sa kadahilanang hindi naman natutugutan ang mga krisis at problema na kinakaharap ng sektor ng edukasyon.
Imbes sinabi ni Castro ay na nire-redtag pa ang grupo ng mga guro na nananawagan ng dagdag na sahod, benepisyo, support personnel at iba pa.
Kaugnay nito, binigyang diin ng mambabatas na dapat totoong educator na ang ilagay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na bagong kalihim ng Department of Education.
Dapat aniya ay hindi na magtalaga ng mga politiko na wala namang alam para mapabuti ang sistema at kalidad ng edukasyon sa bansa .