LEGAZPI CITY- Aminado ang ilang mga eksperto na malaki ang nagiging epekto ng matinding init ng panahon sa produksyon kan itlog at manok sa bansa.
Ayon kay Philippine Egg Board Association President Francis Uyehera sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang mataas na heat index ay nagreresulta sa paghina sa pagkain ng mga manok na nagdudulot ng mababang egg production.
Kung mapapabayaan din umano ang pamamahala sa mga manok ay posible itong magdulot ng mataas na mortality lalo pa at posibleng magdulot ng heat stroke ang matinding init ng panahon.
Sinabi ng opisyal na sa kasalukuyan an nasa 2% hanggang 5% ang naitatalang pagbaba sa produksyon ng mga itlog.
Dagdag pa ni Uyehera na nagkakaroon din ng imbalanced distribution ng sizes ng itlog na malaking problema sa ngayon lalo pa at naitala ang pagbaba ng konsumo.
Dahil dito ay sinabi ng opisyal na mahalaga ang pag-adapt ng management ng mga farms sa kasalukuyang sitwasyon.
Aniya, malaking tulong din ang pagkakaroon ng nutritionist upang makapag adjust sa nutrisyon ng patuka sa mga alagang manok.