LEGAZPI CITY – Muling magsasagawa ng mass vacination sa mga alagang hayop at stra dog elimination sa bayan ng Pio Duran sa Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Provincial Veterinary Office Head Dr. Pancho Mella, napagdesisyunang gawin ang naturang hakbang matapos na isang siyam na taong gulang na batang lalaki ang namatay ng makagat ng aso na may rabies sa bayan.
Napag-alaman na noong Setyembre 2023 o limang bulan na ang nakalilipas ng makagat ang biktima hanggang sa makitaan ng sintomas ng rabies noong nakaraang buwan.
Pinabulaanan din ni Mella ang mga ulat na buhay pa ang ayam na nakakagat dahil imposible umano ito kung saan inaabot lang ng hanggang 10 araw ang buhay ng mga rabies matapos na makakagat.
Dahil dito, ipinag-uto na ang imbestigasyon sa lugar at naghahanda na rin sa mass vaccination sa mga alagang hayop at stray dog elimination.
Una rito ay magpapatupad muna ng mandatory registration ng mga alagang aso sa bayan upang malaman ang kabuuang populasyon ng mga ito sa lugar.