first gold medalist from Masbate
first gold medalist from Masbate

LEGAZPI CITY- Nakapagbulsa na ang lalawigan ng Masbate ng isang gintong medalya sa nagpapatuloy na Palarong Bicol 2025.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ni Masbate School Division Office Sports Division Coordinator Rufino Arellano, nasungkit ang unang gold medal sa pamamagitan ng atletang si Marjorie Adovas.

Ito matapos mangibabaw si Adovas sa long jump competition, elementary level.

Ang naturang mag-aaral ay mula sa Cadulan Elementary Schoo sa Dimasalang District.

Nakapagtala si Adovas ng 4.66 meters sa long jump.

Kaugnay nito ay agad naman na bumuhos ang mga pagbati para sa naturang atleta.