Inirereklamo ng mga residente ang masangsang na amoy mula sa isang dumpsite sa Brgy. Mayon, Daraga.

Ayon kay Leo Montales, ang Chairman Committee on Social Concern sa Our Lady of Salvacion Parish, apat na taon nang nakatambak ang dalawang gabundok na basura sa lugar at araw-araw nang nagrereklamo ang mga residente dahil sa mabahong amoy nito.

Napag-alaman na pagmamay-ari ng isang pribadong kompanya ang nasabing dumpsite at kahit ang mga basura mula sa labas ng probinsya ay itinatapon dito.

Ayon kay Montales, malaking perwisyo ang dala nito sa mga residente lalo na ngayong tag-ulan.

May dalang panganib rin ito sa sakanilang kalusugan.

Kahit yung mga tubig umano sa ilog ay nangangamoy na at hindi na makaligo ang mga hayop katulad na lang ng kalabaw at baka.

Panawagan naman ng mga residente sa mga kinakaulan na pagtuunang pansin at agad na gawan ng solusyon ang nasabing problema sa basura.

Aniya, matagal nang hinaing ng mamamayan ang hindi maayos na waste management sa kanilang lugar.