LEGAZPI CITY – Hiniling ng isang lehislador na ilapit na ng gobyerno sa United Nations ang ginagawang pangha-harass ng China sa mga barko ng bansa sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, hindi na biro ang pambubully ng China sa mga isinagawang re-supply mission ng bansa sa Ayungin Shoal.
Lalo pa’t mas tumindi aniya ito dahil mayroon ng nasaktan na tatlong tauhan ng Philippine Navy sa pinakabagong water cannon attact ng China Coast Guard.
Ayon kay Castro, wala ng saysay ang mga inihahain na diplomatic protest ng Pilipinas dahil parang mas lumakas ang loob ng China sa mga ginagawang pangha-harass.
Subalit sa kabila nito, ikinalungkot ng opisyal dahil parang walang kalaban-laban ang barko ng Pilipinas sa mga ginagawang water cannon attack ng China.
Lumabawas kasi na parang ”underdog” ang Pilipinas na kung saan dapat ay ipinapakita na ipinaglalaban ng bansa ang sariling soberanya at teritoryo.
Snabi pa ni Castro na panahon na upang gumawa ng ”higher lebvel” na aksyon ang Pilipinas at hindi lang lahat diplomatic protest na wala namang naitutulong sa sitwasyon.
Ang bahagi ng pahayag ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro