Turned over maritime research device
Turned over maritime research device

LEGAZPI CITY- Kinumpirma ng mga kinauukulan na halos may pagkaka pareho ang nadiskubre na maritime research device na na-recover kaninang madaling araw sa may seawall sa Barangay Puro sa lungsod ng Legazpi sa isang device na na-reover din sa Sorsogon noong weekend.

Matatandaan na nagpatulong ang isang mangingisda sa Bombo Radyo Legazpi upang maipaabot ito sa mga kinauukulan.

Ayon kay Police Regional Office Bicol Director Brig. General Andre Dizon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na unang ginawa ng mga otoridad ang pagsiguro na hindi ito explosive.

Nang ma-inspeksyon na ay itu-turn over naman aniya ito sa Anti-Cybercrime Unit upang isailalim sa forensic examination.

Ayon pa sa opisyal na posibleng US made rin ang naturang maritime research device subalit kinakailangan pa rin na mapag-aralan.

Samantala, muli naman itong nagpaalala sa mga mangingisda na agad na ipagbigay alam sa mga kinauukulan kung may mare-recover na kaparehong mga device o kahina-hinalang mga bagay sa mga karagatan na sakop ng rehiyon.