Emosyunal na kinumpirma ng aktres na si Maris Racal na nagtapos na ang mahigit tatlong taon na relasyon nila ng singer na si Rico Blanco.

Sa isang prescon, sinabi ni Maris na ilang linggo pa lamang ang nakakalipas ng mangyari ang naturang break up.

“Rico and I are over,” ito ang bahagi ng naging kasagutan ng young acctress sa pagtatanong ng ilang media personalities.

Aniya, ang nakalipas na mga linggo ang maituturing niyang ‘loneliest at emptiest’ feeling na kaniyang naranasan.

Matatandaan na taong 2021 ng kumpirmahin nina Maris at Rico ang kanilang relasyon.