LEGAZPI CIITY – Bumuo na ang Maritime Industry Authority (MARINA) Bicol ng mga hakbang upang agad na makabiyahe ang mga pasahero oras na bumuti na ang lagay ng panahon dahil sa bagyong Aghon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi ki Maritime Industry Authority Bicol Regional Director Atty. Maximo Bañares, nagpalabas na ng relaxation order ang tanggapan para luwagan ang mga schedule ng mga barko.
Sa ilalim nito, hindi na kinakailangan na sundin ng mga barko ang kanilang orihinal na schedule na pag-alis.
Ayon kay Bañares, sakop din ng naturang kautusan ang mga pantalan sa bayan ng Pio Duran at sa lungsod ng Tabaco sa Albay.
Nilalayon ng hakbang na mapabilis ang biyahe ng mga barko kung saan pwede na umalis sa pantalan basta puno na ng pasahero.
Hanada rin ang MARINA na magdagdag ng mga barko kung sakaling kulangin.