LEGAZPI CITY – Karamihan sa mga persons deprived of liberty sa Bicol ang interesado nang magpabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay BJMP Health and Services Division chief Dr. Jaime Claveria sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, may mga nagpahayag nang tatanggap ng bakuna sakaling dumating na ang alokasyon para sa mga ito.
Naunang binigyan ang mga medical frontliners at health workers.
Karaniwang dahilan ng mga PDLs na nais nang magpabakuna, mapapadali ang pagdalaw ng pamilya sa kanila na itinigil muna dahil sa pandemya.
Tuloy rin ang information drive na isinasagawa sa mga jail facilities upang ipaunawa sa mga PDLs ang kahalagahan ng pagpapabakuna.
Pagtitiyak naman ng Department of Health (DOH) na kabilang sa mga masterlist ng nakakasakop na lokal na gobyerno ang mga ito subalit hindi pa kabilang sa mga prayoridad na mabakunahan.