LEGAZPI CITY- Patuloy ang paglikas ng mga residente sa timog na bahagi ng Lebanon dahil sa patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at ilang mga militanteng grupo.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Mercy Mustera na paminsan minsan ay may lumilipad na mga jet planes na may sonic booms sa bagahi ng Beirut.
Aminado ito na may trauma na umano siya sa naturang sonic booms dahil minsan na siyang nagtamo ng injuries dahil dito sa pagsabog noong 2020.
Sa naturang panahon ay inakala umano niya na katapusan na ng kaniyang buhay subalit nagpapasalamat na nananatiling ligtas.
Sa kabila nito ay nanindigan si Mustera na walang planong umuwi sa Pilipinas dahil sa hirap ng buhay sa bansa, lalo pa at siya lang aniya ang inaasahan ng kaniyang pamilya.
Marami lang aniya ang kumakalat na fake news ngayon sa social media na nagdudulot ng panic sa publiko subalit sinuguro na ligtas ang kalagayan nila sa Beirut.
Nagpapasalamat naman ito sa regular na pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas para sa mga nais magpa-repatriate.