LEGAZPI CITY – (Update) Nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na maging matapos ang naitalang apat na pagyanig sa Bicol sa mga nakalipas na oras.
Dalawa sa mga pagyanig, Magnitude 3.5 at 3.2 ang naitala sa bahagi ng karagatang sakop ng Pandan, Catanduanes kagabi, Magnitude 2.6 sa may Vinzons, Camarines Norte at Magnitude 1.7 kaninang madaling-araw sa Tinambac, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Phivolcs Director Renato Solidum, nilinaw nito na magkakahiwalay na earthquake fault ang gumalaw.
Dagdag pa ni Solidum, hindi inaalis ang posibilidad na makapagtala pa ng mas malakas na pagyanig dahil karaniwan na rin umanong nakakapagtala ng lindol sa bahagi ng Catanduanes.