LEGAZPI CITY- Aminado ang ilang kongresistana maging sila an nabigla sa pagbitiw sa pwesto ni Senator Juan Miguel Zubiri bilang pinuno ng Senado at pagpalit ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.

Kaugnay nito, umaasa si ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mas magiging mabilis ang pagpasa ng ilang panukalang batas na kanilang isinusulong.

Sa ilalim aniya ng liderato ni Senate President Escudero ay hangad nila na maipasa ang mga pro-people legislation gaya na lamang ng pagtaas ng sahod, pagbaba ng retirement age sa mga kawani ng pamahalaan, at iba.

Aniya umaasa rin siya na hindi makakalusot ang isinusulong na charter change.

Samantala, nanawagan naman si Castro na hindi madala ng pressure ng ehekutibo si Senate President Escudero dahil kinakailangan aniyang magkaroon ng indipendent na Senado lalo na sa gitna ng mga isyu na kinakaharap ng bansa.