LEGAZPI CITY – Malaki ang pasasalamat ng mga nagsusulong ng absolute divorce bill matapos na makapasa na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes.

Inaprubahan ng House Bill 9349 sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon ng plenaryo na nilalayong mapayagan na muling makapagkasal ang mga mag-asawa na hiwalay na at mailigtas ang mga anak na naapektuhan ng labis na pag-aawal ang mga mag-asawa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro, hindi maiiwasan na mahirapan sa pagpasa ng naturang panukalang batas lalo pa’t marami ang hindi pabor dahil sa malalim na religious conviction ng ilang mga mambabatas.

Aminado ito na hindi pa naiintindihan ng mabuti ng iilan ang applicability ng divorce sa bansa.

Paliwanag ni Castro na nagbabago na ang panahon kaya napapanahon na rin na maipasa ang naturang panukalang batas.

Ito ay upang mabigyan na ng pagkakataon na makipaghiwalay lalo an ang mga asawa na nakararanas ng pang-aabuso at pangmamaltrato.

Dahil dito, umaasa si Castro na maunawaan ang halaga ng divorce ng mga kapwa mambabatas at makuha ang suporta ng Kongreso at Senado sa pagpapasa ng absolute divorce bill.