LEGAZPI CITY- Oras na lamang umano ang hinihintay bago tuluyang i-anunsyo ni US Vice President Kamala Harris ang posibleng magiging ka-tandem nito sa halalan.

Ayon kay Bombo International Correspondent Marlo Callada na ito ay kasunod ng pakikipag-usap ng bise presidente sa ilang mga personalidad na maaaring maka-tandem nito.

Sa kasalukuyan umano ay patuloy pa ang pagtaas ng campaign fund nina Harris at Republican Donald Trump na malaking bagay para sa kanilang kampanya.

Aniya maging ang ilang social media giants ay patuloy ang pagbibigay ng pondo sa dalawang presidential frontrunner dahil tila ginagawa na umano itong investment upang mapalakas ang kanilang kumpanya kung mananalo ang kandidatong kanilang sinusuportahan.

Samantala, naniniwala naman si Callada na malaki rin ang papel na ginagampanan ng mga Filipino voters sa America dahil sa pagiging loyal ng mga ito kung saan mataas na rin ang bilang ng bumuboto sa naturang bansa.

Nabatid na kung magpaparehistro ang mga Pilipino sa Amerika ay kinakailangan na i-identify ng mga ito ang kanilang sarili kung sila ay Democrats at Republican.