
LEGAZPI CITY – Pinasok ng mga hacker ang system ng Airline Company na Qantas na itinuturing na front carrier ng Australia.
Ayon kay Bombo International News Correspondent in Australia Denmark Suede sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nangyari ang breach ng hacking incident ay sa Metro Manila pa kung saan nabiktima ang halos 6 million na mga australians o 25% ng population ng bansa at kahit siya ay hindi nakaligtas sa kamay ng mga hacker.
Pinunterya umano ng hacker ang isang call center ng airline company na nakabase sa Pilipinas at nakakuha ng access sa third-party customer service platform, email addresses, phone numbers, birth dates asin frequent flyer numbers ng mga biktima.
Aniya, pwedeng ibenta ng hacker sa dark web ang mga nakuha nitong impormasyon sa mataas na halaga depende kung gaano ka-importante ang impormasyon ng isang tao.
Giit pa nito na mahina ang cyber security ng Pilipinas dahil dito nangyari ang paghack sa system kan Qantas habang inabisuhan na lamang sila na magpalit na ng mga password para sa kanilang kaligtasan.
Aminado siya na wala na siyang magagawa dahil na-access na ng hacker ang kaniyang impormasyon habang duda siya na mahuhuli ito ng mga Australian authorities.
Sa kagandahan umano ay hindi nakuha ng hacker ang mga detalye ng kanilang mga credit card dahil hindi naman ito hiningi sa kanila ng na-hacked na system.
Suspetsya rin ni Suede na pino-pontirya ng mga hacker ang mga malalaking companies para humingi ng ransom o malaking halaga ng pera para itigil nito ang paghack sa system.