LEGAZPI CITY – Muling nagpapalala ang Public Safety Office (PSO) sa mga sidewalk vendors o mga nagtitinda sa mga ipinagbabawal na pwesto sa bayan ng Daraga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PSO Daraga Secretary Lorenzo Bañas, hinuli ng kanilang hanay ang ilang mga nagtitinda sa gilid ng kalsada dahil sa obstruction o nakaharang ito sa mga dumaraan.
Kahit pa aniya nasa pribadong lugar, hindi pa rin pupwedeng gawing pwesto sa pagtitinda ang sidewalk dahil karamihan ng mga bumibili ay nakakahaharang sa daan.
Paalala ng opisyal sa mga susunod aymapiplitan nang mag-isyu ng municipal citation ticket, posibleng makumpiska ang mga paninda mga tinda at pagmultahin ang sino man na hindi susunod.
Ani Bañas, nasa ilalom ito ng enforcement ng Municipal Ordinance no.10-2019 o ambulant vendor.
Matagal na rin umanong, nagpapaalala sa publikoang ahensya na sundin ang nasabing ordinansa ngunit mayroon pa ring mga hindi sumusunod.
Kung kaya mas hinigpitan pang ang implementasyon nito para sa seguridad at kaligtasan ng lahat.