LEGAZPI CITY – Ikinadismaya ng Makabayan Bloc ng Kamara and P35 lamang na dagdag sahod na inaprobahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, tinawag nito na insulto para sa mga manggagawa ang kakarampot lamang na dagdag sahod na inaprobahan ng wage board.

Malayo ito kung ikukumpara sa isinusulong ng Makabayan bloc na P750 na legislative wage increase para sa lahat ng manggagawang Pilipino.

Ayon kay Brosas, kulang na kulang ang nasabing dagdag sahod na hindi naman makakasabay sa mabilis na nagmamahal na presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.

Dahil dito, plano ng Makabayan bloc na isulong sa Kongreso ang tuloyan ng pagbuwag sa Regional Wage Board.

Isinusulong rin ng Kongresista ang pagkakaroon ng iisang sahod na pantay para sa lahat ng mga Pilipino saan mang bahagi ng bansa.