LEGAZPI CITY – Panalo ang karamihan ng mga kandidato ng Democratic party sa kakatapos pa lamang na mid term elections sa Estadus Unidos.

Ayon kay Marlon Pecson ang Bombo International News Correspondent sa Chicago, Illinois, nagustohan ng mga botante ang naging pangako ng Democratic party na ipagpapatuloy ang abortion sa bansa at pipigilan ang isinusulong ng Republican party na pagbabawal dito.

Ayon kay Pecson, malaki ang epekto ng pagkapanalo ng mga Republicans sa magiging kandidatura ni incumbent President Joe Biden na balak tumakbo sa presidential elections sa susunod na taong 2024.

Nagpapakita kasi ito na maganda pa rin ang emahe ng Republican party at hawak ang suporta ng mayorya ng mga Amerikano.

Subalit hindi pa rin umano makatitiyak kung sino talaga ang mananalong susunod na pangulo lalo pa at lumalabas sa mga survey na hindi nagkakalayo ang suportang natatanggap ni Biden at magiging kalaban nito sa presidential election na si Donald Trump.

Samantala, sa kabila ng tensyon sa pagitan ng mga tagasuporta ng Democrats at Republicans, naging matahimik naman ang takbo ng eleksyon at walang naitalang hindi inaasahang insidente.