LEGAZPI CITY- Tinangnal na sa posisyon bilang direktor ng Philippine National Police Academy (PNPA) si Police Major Gen. Andre Dizon kaugnay ng nangyaring hazing sa akademya.
Kasama pa sa mga na-relieved ang walong iba pang mga opisyal.
Matatandaan na noong Abril 3 ay nai-ulat ang naganap umanong hazing kung saan biktima ang nasa 22 mga freshman cadets.
Lumabas sa mga ulat na nagtamo ng third degree burns ang naturang mga kadete dahil sa isinaboy umanong muriatic acid.
Una ng sinampahan ng kasong paglabag sa Anti Hazing law ang tatlong sophomore cadets.
Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon sa naturang insidente.











