LEGAZPI CITY- Tila naging blessing in disguise para sa ilang mga residente sa Manito, Albay ang isang tila maliit na pool na naglalabas ng mainit na tubig.
Ayon kay Salvador Datiles, Chief Tanod ng Barangay Balabagon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na malinis ang naturang tubig na lumitaw malapit sa ilog.
Hindi ito amoy asupre na iba sa mga bagong lumitaw na hukay sa bayan.
Kwento nito na malaking tulong na ang naturang tubig sa mga residente na ginagamit sa pagkakatay ng baboy at kung minsan ay pinaglalagaan ng itlog.
Subalit ayon kay Datiles na kinakailangang mag-ingat pa rin ang mga residente dahil maaari itong magdulot ng pagkapaso.
Mayroon na umanong pagkakataaon na isang dayuhan ang inilublob ang paa nito sa tubig subalit nalapnos dahil sa sobrang init.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na mahigpit pa rin ang ginagawa nilang pagbabantay sa lugar lalo na sa mga bata upang maiwasan ang aksidente.











