LEGAZPI CITY- Mananatili ang mainit na panahon sa Kabicolan sa kabila ng pagdedeklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng panahon ng tag-ulan at pagtatapos ng summer season sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jun Pantino ang Chief Meteorological Officer ng PAGASA-Catanduanes, patuloy pa rin na naapektohan ang rehiyon ng easterlies na mainit na hangin mula sa karagatan na dahilan ng pagtaas ng temperatura sa Bicol.

Naapektohan rin nito ang mga lugar sa norte at silangang bahagi ng Luzon na makakaranas rin ng mainit na panahon hanggang unang bahagi ng Hunyo.

Ayon kay Pantino, ideneklara ng PAGASA ang rainy season dahil karamihan na ng bahagi ng bansa ay nakakaranas ng pag-ulan lalo na sa Mindanao at kanlurang bahagi ng bansa.

Asahan na rin umano ang posibilidad ng mga pagbaha lalo na sa mga flashflood prone areas kung kaya dapat na mag-ingat ang publiko.