LEGAZPI CITY – Ilang pagyanig ang naitala sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Bicol sa mga nakalipas na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa Prieto Diaz, Sorsogon, natukoy ang sentro ng Magnitude 2.7 na lindol dakong alas-4:32 kaninang madaling araw.
Nasa 25 kilometro sa Timog-Silangang bahagi ng bayan ang pagyanig na may lalim na 10 kilometro.
Samantala sa Albay, natukoy ang sentro ng Magnitude 1.6 na lindol sa layong 11 kilometro sa Hilagang-Kanlurang bahagi ng Pio Duran.
May lalim naman ang naturang pagyanig na 85 kilometro.
Pawang tectonic in origin ang dahilan ng mga naturang lindol.
Wala namang inaasahan na kasunod na mga aftershocks o posibleng pinsala ang mga pagyanig.