LEGAZPI CITY- Nakatutok ngayon ang mga kapulisan sa pagbabantay ng seguridad sa Catanduanes kaugnay ng opisyal na pagsisimula ng pagdiriwang ng Abaca Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Police Major Rosalinda Gaston, information officer ng Catanduanes Police Provincial Office, nasa mahigit 200 na kapulisan ang naka-deploy ipang magbigay ng seguridad sa publiko partikular na sa mga bisita.
Katulong naman ng PNP sa pagpapatupad ng peace and security ang iba pang law enforcement units.
Nabatid na nakabantay rin ang Philippine Red Cross upang magbigay asistensya sa mga makikiisa sa aktibidad.
Ang Abaca Festival ay ipagdiriwang hanggang sa Mayo 31.
Samantala, inabisuhan naman ng opisyal ang mga turista na mag-ingat sa pagbiyahe lalo na ang may mga dalang sasakyan at maagang magpa-book ng mga accomodation dahil sa inaasahan na patuloy na pagdagsa ng mga magtutungo sa island province.