LEGAZPI CITY – Mahigpit na ang seguridad na ipinapatupad ngayon sa Paris, France kaugnay ng papalapit na 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Rhaynan Saddaramil na tatlong linggo bago ang pagsisimula ng Olympics ay nakakalat na ang mga kapulisan at mga sundalo na nagbabantay sa mga venue ng events.

Inihahanda na rin ang mga plano ng mga kinauukulan kung paano ang gagawing pagresponde sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente sa kasagsagan ng aktibidad.

Nabatid rin na kabilang si Saddaramil sa mga napili na maging volunteer para sa Olympics at magsisilbing coordinator.

Ayon kay Saddaramil na malaking oportunidad na mapabilang sa mga volunteers dahil matapos ang kanilang serbisyo, ay mabibigyan naman sila ng dalawang libreng ticket sa Olympics na nagkakahalaga ng 300 euros o nasa P19,000.

Samantala, umaasa naman ito na magiging matagumpay ang isa sa pinakamalaking sporting events sa na gaganapin sa France.