LEGAZPI CITY – Mahigit sa 5,000 trabaho ang inialok sa inilunsad na Kalayaan Job Fair sa lungsod ng Legazpi kasabay ng ika-126 na selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Isinagawa ang aktibidad sa isang mall sa lungsod na dinagsa ng libu-libong naghahanap ng trabaho.

Karamihan sa mga aplikante ay mga fresh graduates na first time na maghanap ng trabaho at unang bes na pumila sa ganitong job fair.

Ayon sa Department of Labor and Employment Bicol na nag-organisa ng aktibidad, nasa 33 na mga employers ang sumabay sa job fair kasama na ang mga pribadong kompanya, mga ahensya ng gobyerno at mga manpower agencies na nagpapatala ng manggagawa sa ibang bansa.

Pinakapatok na trabaho sa ngayon ay ang manufacturing, business process outsourcing at retail and sales.

Umaasa ang ahensya na sa tulong ng ganitong mga aktibidad mas maraming Bicolano ang mabibigyan ng oportunidad na mabago ang kanilang buhay sa pamamagitan ng inaalok na maayos na trabaho.