LEGAZPI CITY- Naging matagumpay ang maglulunsad ng Bigas P29 program sa Bicol region na sinamantala ng maraming Bicolano.

Ayon kay National Irrigation Administration Regional Manager Engineer Gaudencio De Vera sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nasa 4, 100 bags ng bigas ang naibenta sa buong Bicol region kahapon.

Matatandaan na kabilang sa mga benepisyaryo ng murang bigas ay ang mga nasa vulerable sectors kabilang na ang mga indigent senior citizens, persons with disabilities, solo parents at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Subalit sinabi ng opisyal na hindi naiwasan na mayroong mga pumila na hindi bahagi ng naturang mga sektor kaya pinagbentahan pa rin ito ng bigas sa presyong P35 kada kilo.

Umaasa naman ang tanggapan na makakapag-ani pa sa susunod na buwan ng mga itinanim na palay sa contract farming upang maibenta pa sa mga Kadiwa ng Pangulo.

Paliwanag ni De Vera na target ng ahensya na madala ang mas murang bigas sa iba pang mga lugar sa rehiyon