
LEGAZPI CITY-Nagsagawa ang Albay Electric Cooperative Incorporated (ALECO) ng malawakang disconnection activity sa Albay na nagresulta sa mahigit 13,000 consumer ang nadiskonekta mula Enero hanggang Hunyo.
Ayon kay ALECO Spokesperson, Anj Galero, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, isinagawa ang disconnection para sa mga hindi pa nakakabayad ng konsumo sa kuryente at sa mga may dating bayarin pa sa kooperatiba.
Ipinaliwanag din sa mga consumers ang dahilan ng kanilang aktibidad at naging matagumpay ito dahil halos lahat naman ay sumunod at nag-settle ng kanilang mga bayad sa kooperatiba.
Dagdag pa ng opisyal, isasailalim sa mga proseso ang mga hindi makakabayad at naputolan ng suplay ng kuryente kaugnay ng kanilang reconnection.
Idinagdag pa ni Galero na walang tiyak na halaga ang kanilang disconnection at dapat lamang ay makapagbayad ang mga consumers bago ang takdang petsa nito.
Ipinaalala rin ng ahensya na patuloy silang magsasagawa ng disconnection sa mga susunod na araw sa Daraga, Polangui, Tabaco, Guinobatan, at Camalig at madaragdagan pa ang mga disconnection bago matapos ang taon.
Nilinaw din ng ahensya na ang disconnection ay para sa mga matagal nang hindi nagbabayad at lumampas sa kanilang takdang petsa habang ang apprehension naman ay para sa mga ilegal na koneksyon ng kuryente na patuloy pa rin nilang sinusugpo sa ngayon.
Posible rin aniyang magbayad ang mga consumers gamit ang digital payments.
Samantala, may mga alegasyon din na may mga nagpapanggap na empleyado ng ALECO na humihingi ng pera sa mga kabahayan para hindi madiskonekta na iniimestigahan na ng kooperatiba asa ngayon.