LEGAZPI CITY- Matinding pinsala ang iniwan ng bagyong Kristine sa mga paaralan sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Schools Division Office Albay Spokesperson Froilan Tena sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nasa 50 na mga classrooms ang totally damaged sa lalawigan.
Maliban dito ay mayroon ring 327 classrooms na nakapagtala ng major damages habang 1, 066 classrooms ang may minor damages, kabilang pa ang nasa 138 na mga temporary learning spaces na napinsala rin.
Batay sa report ng nasa 435 na mga paaralan sa Albay, nabatid na mayroong nasa 14, 433 armed chairs ang napinsala at nasa 425, 142 learning materials ang naapektuhan ng naturang kalamidad.
Maliban dito ay napinsala rin ng mga pagbaha ang nasa 1, 355 na mga computers mula sa iba’t ibang mga paaralan sa lalawigan.
Dahil dito ay pahirapan pa rin ang pagbabalik sa normal ng face-to-face classes sa ilang mga paaralan.
Samantala, sinabi ni Tena na nag-organisa na rin ang division office ng relief operations upang matulungan ang mga mag-aaral at mga guro na matinding naapektuhan ng nakalipas na bagyo.