LEGAZPI CITY – Naipon ang mga pasahero sa pantalan ng lungsod ng Tabaco matapos ang ibinabang kautusan sa lalawigan ng Catanduanes na pansamantalang hindi pagtanggap ng mga ito mula sa NCR Plus bubble, kung hindi APOR o essential travellers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tabaco CDRRM Officer Gel Molato, nakausap niya mismo ang punong barangay ng Cormidal na nakakasakop sa pantalan kung saan mahigit sa 100 ang na-stranded subalit ang pinayagan rin ang ilan na bumiyahe.

Muli kasing nagpaalala ang provincial government ng Catanduanes na tanging essential travels lamang ang papapasukin.

Samantala paglilinaw pa ni Molato na dapat ang Catanduaes ang magbibigay ng ayuda sa mga na-stranded na pasahero.